MAKARAANG ipagbawal sa Quezon City ang pagbebenta at pagbili ng alak, sumunod na rin ang Maynila sa pagpapatupad ng liquor ban sa kanilang lungsod.
Sa utos ni Manila Mayor Isko Moreno, nakapaloob sa ordinance 5555 na kinabibilangan ng pagbebenta at paggamit o pag-inom ng nakalalasing na inumin sa lahat ng kalye sa lungsod.
Ang hakbang ay kaugnay na rin ng walang tigil na reklamo sa mga matitigas na ulong residente ng lungsod na patuloy na nag-iinuman sa kalsada at kapag nalalasing ay gumagawa ng gulo at nagiging hadlang sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine at social distancing na siyang pangunahing paraan upang hindi kumalat ang COVID-19.
Inatasan din ng alkalde ang Manila Police District at lahat ng punong barangay na epektibong maipatupad ang nasabing prohibisyon.
Ang kautusan ni Moreno ay nag-ugat sa Proclamation 922 ng President Rodrigo Duterte noong Marso 8, na nagdedeklara ng state of public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic. VERLIN RUIZ
Comments are closed.