LIQUOR BAN SA PASIG INALIS NA

Alak

INALIS  na ng Sangguniang Panlungsod ang ipinatupad na liquor ban sa buong lungsod alinsunod sa quarantine protocols.

Ayon sa post online ng Pasig City Information Office, bagama’t lifted na ang liquor ban, nananatili pa ring bawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar, pagsasagawa ng social gatherings o mga pagtitipon, at ang pag-dine-in sa mga kainan, bars, at mga tindahan sa lungsod.

Kasunod nito, nagbabala ang mga awtoridad  na may kaukulang parusa ang sino mang lalabag sa ordinansa. Mas mainam pa rin anila, ang paglagi sa kani-kanilang mga bahay para makaiwas sa banta ng nakamamatay na virus.

“We are lifting because businesses and workers are also affected by the ban. Paalala na bawal pa rin po ang social gatherings. Kung inom na inom na po kayo, sa loob na lang muna ng bahay at ‘wag imbitahin ang buong barangay,” paalala ni Pasig Mayor Vico Sotto. DWIZ882

Comments are closed.