PARA matiyak ang kapayapaan kahit pa umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay ipinatupad sa Quezon City ang liquor ban.
Nangangahulugan na bawal ang pagbili at pagbenta ng alak.
Sa ilalim ng inilabas na Executive Order 24 ni Mayor Joy Belmonte, simula noong Marso 26 hanggang sa pagtatapos ng ECQ sa Luzon sa April 12, bawal din muna ang pag-inom sa mga pampublikong lugar sa pagitan ng nasabing petsa.
Samantala, sa kasalukuyan ay may 97 kaso ng COVID-19 sa lungsod, siyam ang gumaling at 14 ang nasawi.
Ilang kalsada na sa lungsod ang na-decontaminate matapos magdesisyon ang Quezon City Fire District na magkaroon ng simultaneous operation sa iba’t ibang lugar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.