LIRAHAN SA MALL

BINUHAY muli ni Dakila Cutab ang LIRAHAN sa mall nang imbitahan ang kaniyang tindahang Maginhawa St. Eco-Store.

May proyektong popular kasi ang Ayala Vertis Mall.

Ito nga ang Brews, Books, and Beats.

Noong 2008 isinilang ang LIRAHAN!

Apat na taon matapos pagtiwalaan tayo ni Pauline Salvaña-Bautista na ipagpatuloy ang inumpisahang tulaannina Arnold Azurin, Gary Granana, at Jose Lacaba sa Conspiracy Garden Café.

Tinawag natin itong Conspiwriters’ Tuesdays.

Para sa mga makata, kung baga, ang Martes dahil ang ibang araw nga ay para naman sa mga mang-aawit at kompositor.

Nagkabuhay nang mag-isa.

Kaya nagawa pa nating tanggapin ang hamon ni Rock Drilon na simulan natin ang O.M.G. o Open Mic Gigsa kaniyang Mag:Net Gallery sa Katipunan noong 2008.

Tumagal ang LIRAHAN hanggang magsara ang Conspi noong Nobyembre ng 2022.

Napadpad ito sa Museo ng Pag-asa pansamantala.

Tila bakas ng lumipas ang mga alaalangnagsibalikang lahat sa ating harapan habang nagtatanghalng tulang Anibersaryo Ngayon ng Martial Law.

Naging makasaysayan para sa atin ang 23 Setyembre 2023.

Hindi lang dahil katatapos nga lamang ng ika-51 anibersaryo ng Batas Militar sa bansa kundi nandoon siGat Jose Rizal sa katauhan ng aktor na si Ferdinand Cabalhin.

Kakatwang nandoon din ang may-akda ng Radical: Readings in Rizal and History.

Nang magpaunlak si John Nery na bumasa ng ilangpahina mula sa nasabing libro, hind na rin nagpatumpik-tumpik si Berlin Maynigo Domingo na nasa likod ng Raising Moms at si Prof. Jerry Yapo na nasa ikaapat naprinting na ng kaniyang Artfully Speaking and Other Essays na unang ibinunsod sa isa pang mall na may galeriya – ang Gateway Gallery — noong 1 Oktubre 2022.

Silang tatlo ang pinakabagong awtor ng aktibong San Anselmo Publication Inc. na pag-aari ni Atty. Marvin B. Aceron na halos buwan-buwan ay may bagonginilalathalang aklat.

Pinandaliang nag-host bago nagtanghal ang musical at spoken word artist na si Mai Cantillano at kasing-galingniyang kaibigang si Leandro Reyes na nakilala namannatin bilang tunay na apo ni Lola Basyang o Severino Reyes.

Sinundan sila ng mga makatang sina Lester Abuel, Josephine de las Prudenciados, Istanli Gullab, EuneePacifico, Yvette Perez, Jopie Sanchez, Tala Tanigue.

Nandoon naman si Edbert Darwin Casten natagapagtatag ng TulasalitaanPH kasama ni Ivan Jethro Mella at ni Jazminne Peña siyang nagtanghal kay Hannah Pauleen Pabilonia bilang “Gintong Makata ng 2023.”

Tampok sa gabing iyon sina Adu, Ivouh, K-Leb, at Sheed na pinamunuan ng original gansta na si OG Sacredna isa sa mga bida sa pelikulang Tribu ni Jim Libiran.

Sumaglit din doon si Abner Dormiendo.

Kailangan niyang lumipad at lumipat sa SagulMalingap Foodpark para sa Banyuhay.

Lunsad-aklat ito ng LIRA: ang kaniyang Sa Antipolo Pa Rin Ang Antipolo; Ang Aming Lungkot Ay Amin niMesandel Virtusio Arguelles na kapapanalo lang ng 20thGintong Aklat Awards para sa kaniyang librong Atra; at Arawan ni Christian Rey Pilares na kinilalang Makata ng Taon 2015.

Ang araw na ito ng LIRA ay nag-umpisa noongpanayam ni En Villasis sa Sentro Artista.
Kay layo na pala ng narating ng LIRA.