LISENSIYA NG GRAB DRIVERS

GRAB DRIVERS

PINAMAMADALI ng isang kongresista sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-poproseso ng aplikasyon para sa lisensiya ng mga Grab driver.

Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo, ang mabagal at kumplikadong pro­seso ng LTFRB sa paglilisensiya at registration ng operasyon ng mga GRAB applicant ang dahilan kaya marami sa mga ito ang colorum.

Aniya, kung mapabibilis lamang ang pag-apruba sa ­aplikasyon at gagawing simple ang proseso ay wala sanang colorum na Grab ngayon.

Tinatayang aabot sa 8,000 colorum na Grab units ang ide-deactivate ng LTFRB sa Lunes, Hunyo 10.

Wala namang magawa ang Grab kundi ang sumunod sa LTFRB kahit pa nakapag-comply naman sila sa requirements na hinihingi ng ahensiya.

Dagdag pa ng mambabatas, ang problema at solusyon sa mga colorum na Grab ay nasa kamay na ng LTFRB kaya dapat na madaliin na ang pag-apruba sa lisensiya ng mga ito.   CONDE BATAC

Comments are closed.