TARLAC – NASA 851 katao na kinabibilangan ng 350 dayuhan at 500 Pinoy na emplayado ng Hong Sheng Gaming Technology ang inaresto ng mga tauhan ng Crimimal Investigation and Dection Group (CIDG) nang salakayin ang isang offshore gaming company na sangkot sa cryptocurrency investment scam sa bayan ng Bamban sa lalawigang ito.
Ayon kay CIDG Dir. BGen Romeo M.Caramat Jr, ganap na ala-5 ng hapon nang salakayin ng CIDG Regional Field Unit 3, Anti Cyber Crime Group, Special Action Force ang Hong Sheng Gaming Technology Inc. sa Sitio Pag-asa, Brgy Anupul sa nabangit na bayan.
Pinasok ang anim na palapag ng gusali sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Maria Roma Flor A Ortiz, Presiding Judge of RTC Br 63, Third Judicial Region, Tarlac City.
Sinabi ni Caramat na ang Hong Sheng Gaming Technology Inc. ay lisensaydo bilang POGO subalit ang nasabing kompanya ay ginagamit sa cryptocurrency investment scam.
Samantala, isinailalim ng PNP-ACG sa identifying processing at examining ang lahat ng mga computer data na nakumpiska bilang ebidensiya sa nasabing establisimiyento.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag Section 26 of RA 8799 (Securities Regulations Code of the Philippines) in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at Human Trafficking ( RA 9208) sa korte
Kasunod nito, naglunsad naman ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa tatlong dayuhan na nakilalang sina Thelma Barrogo Larnan, Yu Zheng Can, at Zhiyang Huang a.k.a. “Boss Wang”. THONY ARCENAL