PINALILINIS ng World Bank sa Pilipinas ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program na dapat sana ay sa 40% ng pinakamahihirap na pamilya, ay napupunta lang sa mga hindi naman karapat-dapat.
Dapat magkaroon aniya ang gobyerno ng malinis na database upang mapahusay ang targeting o identification ng mga benepisyaryo tuwing may krisis.
Inirekomenda rin niya na ang streamlining ng contingency financing mechanism, para sa mas simpleng bureaucratic processing sa paggamit ng calamity funds.
Pinamamadali na rin ni Cho ang pamamahagi ng National ID dahil mas makatutulong ito na malinis ang listahan ng 4Ps. DWIZ882