LISTAHAN NG ACCREDITED HOTELS SA BORACAY INILABAS NG DOT

DOT-2

NAGPALABAS ng listahan ng mga accredited hotel at accommodation establishments sa isla ng Boracay ang Department of Tourism (DOT).

Umaabot sa 152 mga establisimiyento ang pinayagan na muling mag-operate sa pagbubukas muli ng isla sa October 26.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sumunod sa kanilang regulasyon ang nasabing mga business establishment.

Kinumpirma ni Environment and Natural Resources Undersecretary Jonas Leones na matapos alisin ang suspensiyon ng Environment Compliance Certificate (ECC) ng mga ito, maaari na silang magbukas sa October 15 kasabay ng dry run sa pagbubukas ng Boracay.

Ipinaliwanag pa ni Leones, sa pamamagitan ng dry run, magkakaroon sila ng pagkakataon na subukan ang mga pasilidad sa isla at magkaroon ng pagkakataon para mapabuti pa ang mga ito bago ang pormal na pagbubukas nito.

Masusi ring imo-monitor ang pagpasok ng mga tao at paglimita sa mga turistang magtutungo sa lugar.

Nauna nang binigyan ng “go signal to operate” ng DOT ang nasa 68 establisimiyento.

Ayon sa DENR na isang bagong Boracay ang makikita ng mga turista na may malawak na beach front, maayos na kalsada at maaliwalas na walkway.

Magpapatuloy naman ang monitoring sa mga business establishment at sisiguruhin na tumutupad ang mga ito sa regulasyon.

Magugunitang isinara ang Boracay Island noong April 26 para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

2 thoughts on “LISTAHAN NG ACCREDITED HOTELS SA BORACAY INILABAS NG DOT”

  1. Thanks for another great post. Where else could anybody get that kind of information in such a perfect way of writing? I have a presentation next week, and I am on the look for such information.

Comments are closed.