PATULOY pa ang isinasagawang pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) sa mga sukang ipinagbibili sa bansa, kaya’t posibleng madagdagan pa ang listahan ng mga sukang may synthetic acetic acid.
“Nagte-test pa tayo. Continuing pa rin naman ang pagsusuri,” ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, na siya ring officer-in-charge (OIC) ng FDA, sa isang panayam. “Magte-test pa tayo at pag may makita pa tayo na gumagamit ng syn-thetic acetic acid, then we will expand the list.”
Una nang sinabi ng FDA na may 300 brands ng suka ang plano nilang suriin matapos na pumutok ang isyu na marami sa mga ito ang nagtataglay ng synthetic acetic acid.
Nagpalabas kahapon ng isang advisory ang FDA at isinapubliko ang paunang listahan ng mga suka na natuklasan nilang nag-tataglay ng synthetic acetic acid matapos na suriin ang may 39 vinegar brands, na may iba’t ibang variants at expiration dates.
Kabilang dito ang Surebuy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.
Una naman nang nilinaw ng FDA na hindi naman masama sa kalusugan ng tao ang synthetic acetic acid ngunit hindi pa rin pin-apayagan ang paggamit nito.
Nangangahulugan din umano ito na substandard ang kalidad ng naturang suka.
“Any artificial matter such as synthetic acetic acid or any cloudifying agent deems the vinegar adulterated hence, it must not be sold to the public,” anang advisory ng FDA.
“The presence of synthetic acid merely represents that the vinegar did not undergo fermentation, either through a slow process, quick process, or submerged culture process which is used for commercial vinegar production,” lahad pa ng FDA.
“Inspection of manufacturing facility shall be done to further verify whether the producers of the above products use synthetic acetic acid,” dagdag pa nila. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.