LISTAHAN NG CERTIFIED CHRISTMAS LIGHTS INILABAS NA NG DTI

CHRISTMAS LIGHTS

INILABAS na ng Department of Trade and Industry – Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS), ang listahan ng mga Christmas lights na sertipikado ng Philippine Standard at Import Commodity Clearance.

Ang dalawang ahensiyang ito ang responsable sa pagtiyak na ligtas ang mga produktong gagamitin ngayong Holiday season.

Dahil dito, ipinayo sa mga consumer ni Leah Ann Arella, assistant chief engineer at Officer-In-Charge ng BPS, na bumili lamang ng mga Christmas lights na may PS mark o ICC sticker.

Maaaring maberipika ng mga bumibili ang pagiging authentic ng produkto sa pamamagitan ng ICC verification app at i-scan ang ICC stickers ng nasabing produkto.

Maaari ring mag-check sa mga sumusunod:

List of Valid PS Certification Mark LicenseIssued for Christmas Lights https://tinyurl.com/PSChristmasLights2022

List of ICC Certificates and Stickers Issued for Christmas Lights https://tinyurl.com/ICCChristmasLights2022

Ang Christmas lights ay isa lamang sa 111 produkto na kasalukuyang nasa DTI-BPS list of products sa ilalim ng mandatory certification (kumpletong listahan sa www.bps.dti.gov.ph).