(Listahan ng mga kandidato ilalabas ng Comelec sa Disyembre) 95% NAGHAIN NG COCs MASISIBAK

INIHAYAG  ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na target nilang mailabas na sa Disyembre ang pinal na listahan ng mga kandidatong papayagang tumakbo sa national and local elections sa bansa, na idaraos sa Mayo 9, 2022.

Sa pagtaya ni Comelec spokesman James Jimenez, aabot sa 95% ng mga naghain ng kandidatura ang matatanggal sa listahan, o yaong mga nuisance candidates o panggulong kandidato.

Aminado si Jimenez na maraming trabaho ang Comelec ngayon dahil sa rami ng mga naghain ng kandidatura.

Aniya, nasa 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang 28 naman sa pagka-bise presidente.

“Ine-expect natin ang final list around December. ‘Yun ang final. Ang pagsasala magagaganap ngayon,” pahayag pa ni Jimenez, sa isang panayam sa radyo nitong Linggo.

“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na mag-file. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” dagdag pa niya.

Matatandaang idinaos ng Comelec ang paghahain ng kandidatura ng mga kandidato mula Oktubre 1 hanggang 8.

Gayunman, maaari pang magkaroon ng substitution ng mga kandidato hanggang sa Nobyembre 15, 2021. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “(Listahan ng mga kandidato ilalabas ng Comelec sa Disyembre) 95% NAGHAIN NG COCs MASISIBAK”

  1. 217297 995690We give you with a table of all the emoticons that can be used on this application, and the meaning of each symbol. Though it may take some initial effort on your part, the skills garnered from regular and strategic use of social media will create a strong foundation to grow your business on ALL levels. 639424

Comments are closed.