LISTAHAN NG MGA TINDAHAN NG PEKENG BAKAL AT SEMENTO ILALABAS NG DTI

NAKATAKDANG ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga hard- ware store na nagbebenta ng substandard building materials.

Alam ng ahensiya na may mga tindahan na matagal nang nagbebenta ng mga bakal at semento na hindi pumasa sa DTI inspection o talagang hindi dumaan sa imbestigasyon, sabi ni Undersecretary Ruth Castelo sa isang panayam.

Para matsek ang pagkalat ng substandard o mga pekeng building materials, sinabi ni Castelo na kikilalanin nila ang mga establisimiyento na nagbe-benta nito, gayundin na ilalathala ang mga listahan ng mga mapagkakatiwalaang tindahan na nagbebenta ng mga dekalidad na materyales.

Noong nagdaang taon, isang grupo ng Philippine steel manufacturers ang nagbabala na maraming pekeng bakal ang bumabaha sa merkado ng Pinas na bumibili ng lipas nang mga gamit mula sa China.

Ini-report din ng Reuters na may mga Indonesian at Philippine steelmakers na nababahala na ang substandard steel mula sa mga pagawaang ito ay magdulot ng mala­king problema sa mga bansa na  laging nagkakaroon ng lindol at bagyo.

Comments are closed.