LISTAHAN NG SUSUNOD NA PNP CHIEF IBINIGAY NA KAY DUTERTE

ISINUMITE na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga posibleng susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katapusan ng Abril.

Ayon kay Año, sa katapusan ng buwang ito niya ibibigay kay Pangulong Duterte ang rekomendasyon kung sino ang magiging susunod na hepe ng PNP pero itinanggi muna nitong pangalanan ang posibleng makasama sa kanyang listahan.

Nabatid, sa Mayo 8 nakatakdang magretiro si PNP chief Gen. Debold Sinas sa kanyang posisyon.

Base sa seniority at pinakamataas na posisyon na posibleng humaliling PNP Chief sa PNP command group ay sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, deputy chief for administration; Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, at Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, hepe ng directorial staff.

Sa kabila nito, nakatakda namang magretiro si Binag sa Abril 24 habang sa Nobyembre 13 magreretiro si Eleazar.

Sina Eleazar, Binag at Sinas ay kabahagi ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987. EVELYN GARCIA

4 thoughts on “LISTAHAN NG SUSUNOD NA PNP CHIEF IBINIGAY NA KAY DUTERTE”

Comments are closed.