TUMATANGGAP na ng literary contributions ang Cultural Center of the Philippines (CCP) Intertextual Division para sa ika-41 na edisyon ng ANI, ang official literary journal ng CCP.
Ang tema nito ay “Paglalakbay: Lakad, Layag, Lipad” na naglalaman ng essays, poems, short fiction at iba pang literary genres na naka-focus sa “tales of Filipino on their travelling experiences and their insights on culture, arts, and the human condition”.
Maaaring nakasulat sa Filipino, English at local languages ng Filipinas ang isusumiteng lahok o kontribusyon na may kalakip na translation sa Filipino man o English. Ang mga lahok ay hindi pa dapat nalalathala. Isumite gamit ang Arial font (12 pts), double-spaced in 8 1/2” x 11” paper size. Lakipan ang entry ng short bionote (at least 3-5 sentences), photo, home address, contact details, at tax identification number (TIN) ng awtor.
Ang huling araw ng pagpapasa ay sa Mayo 30, 2020. Ipadala lamang ang mga lahok sa [email protected].
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Intertextual Division sa numero 8551-5959, 88321125 local 1706 o 0998-3959270 at hanapin si Erika Antuerfia. Maaari ring mag-email sa [email protected].
Comments are closed.