LITO LAPID BUMONGGA ANG CAREER DAHIL SA PROBINSIYANO

ISA si Lito Lapid sa top senatoriables na tatakbo sa dara­ting na eleksiyon ayon sa surveys. Matagal reflectionnawala sa posisyon si Lito pero bumongga naman ang career niya sa telebisyon dahil sa “FPJ’s Ang Pro­binsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Malaking tulong kay Lito para umangat sa recent survey ng mga tatakbong senador ang appearance niya sa “Ang Probinsyano.” At tiyak naman na i-iindorso rin ni Coco sa mga kampanya ni Lito.

EX-GF NI LITO GUSTONG MAGBALIK-SHOWBIZ   

Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang isa sa mga unang naging girlfriend ni Lito sa showbiz noon na si Azenith Briones sa party ng kaibigan niya at character actress na si Isabel Rivas. Nabanggit niya sa amin na gusto niyang bumalik sa showbiz at umarteng muli.

Pero ayaw naman daw niya ‘yung basta-basta lang na proyekto. Gusto niya may katuturan at maganda rin ang role na gagawin niya. Except for “Ang Probinsyano” na type na type niyang lumabas kaya kahit ano’ng role ay tatanggapin niya.

Gusto rin daw niyang makatrabaho ulit si Lito kahit may ka-loveteam na ang action star na si Angel Aquino.

Azenith Briones.jpgNabanggit din sa amin ni Azenith na nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng isa pang ex ni Lito na si Melanie Marquez at ang solo anak nila na si Manuelito. Na­ging close daw sila ni Melanie and there was a time na binisita niya si Melanie at Manuelito sa bahay ng mag-ina sa Amerika.

Matagal na raw na hindi nakakausap ni Manuelito si Lito kaya ‘di maiaalis na magkaroon ng tampo ang anak ni Melanie sa action star. Pero pinapayuhan daw ni Azenith na ‘wag magtampo si Manuelito sa kanyang ama at bagkus ay subukang magkaroon ng contact with him.

Incidentally, nakita namin si Melanie sa pa-Christmas dinner ng sikat na radio host at talent manager na si Kuya Jobert Sucaldito sa kanyang bahay. Kasama ni Melanie si Manuelito at ang American hubby na si Adam Lawyer.

Friends nga raw sila ni Azenith at dumalaw pa sa kanilang bahay sa Utah. Bilang ina, gusto n’yang ma­ging malapit si Manuelito sa kanyang ama. Pero dahil nasa tamang edad na si Manuelito kaya hinahayaan na niya sa kanyang mga desisyon.

ARIEL RIVERA AT GELLI DE BELEN MULING MAGTATAMBAL SA PROYEKTO

AFTER a long time, magtatambal muli ang real-life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen sa family-oriented comedy movie na “Ang Sikreto ng Piso” directed by Perry Escano.

Perfect para kina Ariel at Gelli ang role nila sa nabanggit na pelikula. They’re one of local showbiz’ most enduring marriages.  More than 20 years na silang kasal. At ang mga anak nila na sina Joaquin at Julio ay naka-based na pala sa Toronto, Canada.

“I am happy to work with Ariel. I welcome the opportunity to play couple with him in reel life. As an actor, Ariel has matured a lot. Proud ako sa kanya. Napanood ko lahat ng drama shows niya pero iba pa rin kapag up close ko siyang pinapanood when he acts,” sabi  ni Gelli.

Naging smooth daw ang palitan nila ng dialogue sa movie dahil kilala na nila ang isa’t isa.

“Tapos we gave one another pieces of advice on how to make a scene more convincing while we were doing the movie. I hope the viewers will watch and enjoy our new movie,” dasal niya.

The movie will be shown in theaters nationwide starting January 30.

Ang Sikreto ng Piso also stars Bea Binene, Lou Veloso, Angelica Ulip, Long Mejia, Joyce Peñas Pilarsky, Nico Nicolas, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Gabby Go Balauag, Paul Sy, Garry Lim, Kiel Rodriguez, Raphael Robes, Gomz Burza, Micah Musa, Kim Llono, Lao, Amberlicious, Abel Napuran, Alvin Barcelona, and with the special participation of Ernie Garcia. Produced by JPP Dreamworld Productions and MPJ Entertainment Productions.

Ipalalabas ang movie sa mga sinehan nationwide on January 30.

Ariel Rivera and Gelli de Belen are talents of Asian Artists Agency. For inquiries, please call (02) 855-4765 or (02) 405-4423, [email protected], and visit fb.com/asianartistsagency.