NEGROS ORIENTAL – PINAKALAT na PNP Centra Visayas police ang larawan ng pulis na siyang bumaril at nakapatay sa radio broadcaster na si Dindo Generoso sa Dumaguete City.
Kinilala ni Brig. Gen. Valeriano De Leon, Central Visayas police chief, ang media killer na si Cpl. Roger Rubio na nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company.
Hinala ni Valeriano maaring nasa Negros lang ang pulis at hindi pa ito nakalalayo kaya agad na inilabs nila ang larawan nito.
Si Rubio ang itinuturong gunman sa kaso ng pagpatay kay Generoso at isa sa dalawa pang suspek na tinutugis ng pulisya na nakilalang si Tomacino Aledro na isa umanong gambling lord.
Ang dalawa pang suspek ay una nang nadakip na sina Teddy Reyes Salaw at Glenn Corsame.
Ayon kay Col. Julian Entoma, Negros Oriental police chief, isang concerned citizen ang nag-alok ng P80,000 na pabuya para sa ikadarakip ng dalawa pang suspek.
Sinasabing si Aledro ay nakalabas na ng bansa at nasa Amerika na.
Nakikipag-ugnayan naman na ang pulisya sa Bureau of Immigration at maging sa Interpol hinggil dito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.