Kaye Nebre Martin
MULA nang sumikat ang Boracay dahil sa mga carpetbaggers, marami sa ating gustong pumunta dito. Pero grabeng kamahal na pumunta sa Boracay, daig mo pa ang pumunta sa Vietnam o sa HongKong. Buti na lang, meron palang malapit lang na Boracay – ang Little Boracay, na nasa Batangas lang.
Sa ngayon, popular destination na ng mga namamasyal ang Little Boracay, lalo na kung hanapo nila ay tahimik na dalampasigang malayo sa kabihasnan.
Hindi naman talaga malayo ang Calatagan, Batangas. Siguro, mga apat hanggang limang oras mula sa Pasay, depende kung gaano kabigat ang traffic sa Dasmarinas, Cavite at sa Tagaytay City. From Nasugbu, kalahating oras lamang kung daraan sa Lian, kaya kung sa Nasugbu ka magtsi-check-in, pwedeng pwede. At dahil taga-Nasugbu kami, walang problema. In the first place, hindi pwedeng mag-overnight sa Little Boracay for safety purposes daw.
Hanggang 5:00 pm lamang, at lahat ng backpackers, off you go before sundown.
Kung ano ang makikita mo sa totoong Boracay sa Aklan ay makikita mor in sa Little Boracay. Malinis at puting-puting buhangin, malinis na karagatan at tahimik na kapaligiran – minus yung ingay kapag gabi dahil hanggang 5:00 pm nga lamang. Narito ang relaxed and traveler-friendly atmosphere.
Actually, kung nagkaroon na kayo ng pagkakataong makarating sa Santorini, Greece sa Europe, masasabi kong mas hawig sila kesa Boracay sa Aklan. Sa Little Boracay kasi, perfect para sa swimming, sunbathing, at iba pang water sports. Kahit bata, hindi ka matatakot na iwan dahil mababaw lamang ang tubig.
Bukod sa dalampasigan, may mga attractions pa ang Little Boracay tulad ng hiking at nature-watching. May mga historical sites din dito, kasama na ang ruins ng isang Spanish fort at lumang simbahan. Pero ang maipagmamalaki talaga dito ay ang pagiging friendly at simple at welcoming ng mga tao dito.
Ang good news, walang entrance fee sa Little Boracay. Kailangan mo lang magbayad ng eco-fee na PhP30 per person para sa preservation ng lugar. May ganyang bayarin sa lahat ng panig nf Pilipinas. At saka nga pala parking fee na PhP100 kung may dala kang sasakyan. Kung wala, P30 lang talaga.
Tinawag siyang Little Boracay dahil kkamukha nga ng totoong Boracay. Makikita mo ang mga isda at starfishes sa paligid. Child-friendly rin ito dahil mababaw lang ang tubig.
Bago ko makalimutan, may narerentahan nga palang balsa sa halagang P4500 sa buong maghapon. Sa’yo ang balsa mula 8:00 am hanggang 5:00 pm. Pwede kayong mag-swimming, mag-ikot-ikot, magluto – just anything! Enjoy this summer. KVNM