LIVE GLORIOUSLY, PLANT A TREE!

tree

MALAKING hamon sa ating henerasyon ngayon ang patuloy na masamang epekto ng global warming na dahilan ng climate change. Maski gaanong ipagsigawan ang panawagan ng kahit na sinong kilalang mga personalidad na magkaisang labanan ang problemang ito, ang nakalulungkot, iilan lamang ang nakikilahok.

Sa isang banda, nakatutuwang isipin na nakikilahok ang mga kabataan at iba’t ibang sector sa natatanging solusyon ng global warming – ang pagtatanim ng mga puno!

Katuwang ng Glorious Blend Coffee ang iba’t ibang sektor at organisasyon para maisakatuparan ang Glorious Project – A Tree Planting Challenge na layong makapamahagi ng mga punong mangga sa maraming komunidad at makahikayat sa bawat pamilya na magtanim sa kani-kanilang bakuran.

Sa kanilang regular na pamamahagi ng mga “seedlings” ng punong mangga sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga organisasyon, umaani ito ng papuri at malaking suporta na tunay ngang nakapagbibigay ng pag-asa na kalauna’y makapaghihilom sa sakit na nararamdaman ng ating kalikasan.

“Alam natin ‘yung hirap na nararanasan kapag nagkakaroon ng kalamidad. Sa ganitong proyekto ng Glorious Industrial and Development Corporation sa pangunguna ni Ma’am Au (de Leon), kaya isa itong karangalan na makasama sa long-term at beneficial sa ating komunidad na Glorious Project dahil maaagapan nito ang natural disasters lalo na yung baha,” pahayag ni Jamela Charisse Mendoza, president ng Sangguniang Kabataan Federation ng Munisipyo ng Bocaue, Bulacan.

Kabilang din sa sumusuporta sa Glorious Project Tree Planting Activity ay ang Junior Chamber International (JCI – Makati) president, Mr. Lawrence “Lance” Li Tan; dumating din si Vice Mayor Anecito Lirazan ng Rodriguez, Rizal na aniya: “Nature is a gift from God. We have the responsibility and accountability, so, let’s do our job. We must love the creation of God.”

Tinalakay naman ni Mr. James Libago Asuelo ng Bridging Leaders for Sustainable Development, Inc. (BLSD) ang “Food Security” na para sa kaniya ay napakaganda ng proyekto lalo pa’t puno ng mangga ang itinatanim.

Dahil sa ipinapakitang malaking suporta sa proyektong ito, makasisiguro tayo na mabibigyan natin ng maganda at hitik sa bungang mga puno ang mga susunod na henerasyon na kanilang aanihin at nawa’y maipagpatuloy ang pangangalaga sa inang kalikasan.

Ang Glorious Blend Coffee ay gawa ng Glorious Industrial and Development Corporation (GIDC) na ang pangunahing sangkap ay natural sweetener mula sa dahon ng stevia plant na talaga namang healthy at guilt-free ang pag-inom natin ng kape. Ang GIDC rin ang pangunahing supplier ng Sweet & Fit Stevia sa buong bansa at exporter din sa iba’t ibang bansa.

Media partners naman ng The Glorious Project ang Light TV ng Net25, UNTV, PTV at PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo. CRIS GALIT

2 thoughts on “LIVE GLORIOUSLY, PLANT A TREE!”

  1. 206161 87652Today, I went to the beach with my children. I found a sea shell and gave it to my 4 year old daughter and said “You can hear the ocean if you put this to your ear.” She put the shell to her ear and screamed. There was a hermit crab inside and it pinched her ear. She never wants to go back! LoL I know this is totally off topic but I had to tell someone! 861915

  2. 225533 723354After examine a couple of with the weblog posts in your site now, and I truly like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and may possibly be checking back soon. Pls take a look at my site as effectively and let me know what you feel. 213291

Comments are closed.