LIVE HOGS, FROZEN PORK BAWAL IPASOK SA ILOCOS SUR

BAWAL IPASOK

PANSAMANTALANG ipinagbabawal ang pagpasok ng live hogs at frozen pork meat sa lalawigan ng Ilocos Sur mula sa iba’t ibang lalawigan upang mapanatili ang kaligtasan ng hog industry kaugnay sa kumakalat na African Swine Fever (ASF).

Base sa ipinalabas na Executive order (EO) No. 24 ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na inayudahan naman ng Provincial Resolution No. 0052 sa pamamagitan nina Board member Efren Rafanan Sr. at Vice Governor Jeremias Singson, pansamantalang pinatitigil ang pagpasok sa nabanggit na lalawigan ang anumang buhay na baboy, karne o frozen pork dahil sa sinasabing pagkalat ng ASF sa bansa.

Naunang nagpatawag ng pagpupulong ang mga opisyal ng provincial government sa lahat ng sector na may kaugnayan sa hog industry kabilang ang hog raisers, meat vendors, veterina­rians, government agriculture officer, slaughter house masters, met ins­pectors upang talakayin ang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Inihalintulad ni Gov. Singson ang mga kaso ng ASF kung saan libo-libong babuyan sa Central Luzon ay naapektuhan ng sinasabing ASF kung saan naalarma ang nasabing opisyal dahil karamihan sa supply ng pork meat ay nagmula sa kanilang lalawigan.

“If the supply begins to dwindle, or there is an increase of price of meat products, the local government unit (LGU) may suspend the ban when these are examined, inspected and certified to be safe for public consumption.” paliwanag ni Board member Efren Rafanan Sr.   MHAR BASCO

Comments are closed.