BULACAN – ANIM katao kabilang ang isang mag-live-in partner na big-time shabu pusher ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan Police makaraang magsagawa ng magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa mga bayan ng Balagtas at San Rafael at San Jose del Monte (SJDM) City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Sr. Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan Police Director, ang mga nadakip na sina Ron Joshua Pagtalunan y Sayuman Benjie Arquio y Fuego, kapwa ng Barangay San Juan, Balagtas; James Perez y Morallo at Weniano Cola y Lara, kapwa ng San Rafael; Daniel Castro at kinakasamang si Ria Espirito, kapwa ng SJDM City.
Nabatid na magkasunod na nadakip ng Balagtas PNP sa pangunguna ni Chief Insp. Restituto Granil, ang dalawang suspek na sina Pagtalunan at Arquio sa Barangay San Juan, Balagtas at makumpiskahan ng 6 na maliit na pakete ng shabu at buy bust money.
Sumunod na nadakip sa bayan ng San Rafael sina Perez at Cola at marekober sa kanilang pag-iingat ang apat na pakete ng shabu habang nakorner naman ang maglive-in partner sa kanilang hide-out sa SJDM City at makakuha ng kabuuang 500 gramo ng shabu, drugs paraphernalia at buy bust money. A. BORLONGAN
Comments are closed.