LIVE-IN PARTNER NIRATRAT SA LOOB NG BAHAY

BATANGAS – PATAY ang babae at sugatan ang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa loob ng kanilang bahay nitong Linggo ng gabi sa Sitio CYO, Brgy. Barualte, bayan ng San Juan sa lalawigang ito.

Dead on the spot ang Ginang na si Teodora Galora Galino, 53-anyos, habang sugatan naman at dinala sa ospital ang kinakasama nito na si Arcangel Armamento Patal, 53-anyos.

Base sa report ng San Juan PNP, nasa loob ng bahay ang mga biktima nang ratratin ng apat na lalaki na armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Mabilis na tumakas ang apat na suspek matapos ang pamamaril sa mag asawa dala ang mga ginamit na armas.

Ayon sa hepe ng pulisya na si Lt. Col. Rommel Sobredo, usapin at awayan sa lupa ang motibo ng pamamaril sa maglive-in partner at ang dalawa sa mga suspek ay Barangay Kagawad.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at patuloy pa ring tinutugis at hinahanap ang apat na salarin upang mabigyang linaw ang pangyayari.

BONG RIVERA