LIVE-IN PARTNER UTAS SA PAMAMARIL

lopez

QUEZON – PATAY ang mag-live in partner matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Calantipayan, Lopez sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Lopez PNP na pinamumunuan ni Lt Col. Dandy Aguilar ang mga biktima na sina Armando Lapuz, 55-anyos, magsasaka at Nelia Leona, 71-anyos na kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek at kaagad na pinaulanan ng bala ang mga ito na na­ging sanhi ng agarang pagkamatay ng mag live-in.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo sa hindi malamang direksyon dala ang baril na ginamit.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at malaman ang motibo sa pagpatay.

BONG RIVERA