QUEZON CITY – NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang live-in partner at kasama nitong mga tauhan ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ng pamumuno ni PLTC Giovanni Hycenth Caliao sa ikinasang drug buy bust operation na mga ito sa Quezon City.
Ayon pa kay Esquivel ang mga suspek na sina Melvin Sagayno, 30-anyos, ng Brgy. Bagong Pagasa at ang live-in-partner nito na si Risalyn Quiason, 32, ng Brgy. Pinagkaisahan, ay inaresto kasama ang isa pa sa suspek na kinilalang si Evangeline Patcheco, 48-anyos, ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao, sa ikinasang buy bust operation bandang ala-1:00 ng umaga ng Marso 29, sa kahabaan ng Aurora Blvd., katabi ng Puregold Cubao, Brgy. Socorro, Cubao.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit mula sa PS 7 tungkol sa ilegal na ak-tibidades ng mga suspek na kilalang mga driver ng Public Utility Vehicles.
Dahil dito isang buy bust ang ikinasa laban sa mga suspek dahilan ng kanilang pagkakaaresto.
Nakuha mula sa mga suspek ang may 34 pakete ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P34,000, cellphone na ginamit ng mga ito sa kanilang drug transactions, Suzuki Skydrive motorcycle na may plate number 7762QB at ang P500 na buy bust money na ginamit naman sa operasyon. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.