QUEZON CITY – ARESTADO ang live-in partners at 10 iba pa sa iba’t ibang anti-illegal drugs operations ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr.
Naaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim naman ni Supt. Rossel Cejas sina Ryan Carreon, 30, at ang live-in partner nito na si Angel Miranda, 26, kapwa residente ng Brgy. Gulod.
Naaresto rin ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni Supt. Robert Sales si Cyrel Olmilla, sa Kanlaon Street.
Arestado naman ng Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni Supt. Alex Alberto Vina Grace Llamos, 28, Brgy. Pasong Tamo, Ruel Bartolay, 37, ng Brgy. Sauyo, Novaliches at Robert Reyes, 40, ng Brgy. Culiat.
Naaresto rin ng Station 4 sa buy bust operation sina Richard Gonzales, 25, at Alejandro Ferrer, 38, pawang Brgy. Capri, Novaliches, at kasama sa drug watchlist.
Habang ang Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel ay inaresto sina Diosdado Hipolito at Marlon Esguerra.
Ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa ilalim ni PCI Edward Cantano ay naaresto sa buy bust ang dalawang iba pa na pawang taga-Tondo. PAULA ANTOLIN