PINAYAGAN ng Korte Suprema ang live media coverage sa promulgasyon ng kontrobersiyal na kaso ng Maguindanao massacre.
Nakatakdang ilabas ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon sa kaso sa Disyembre 19 sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Inaprubahan ng Supreme Court en banc ang hirit ng iba’t ibang media organizations na gawing bukas sa media ang promulgasyon.
Kaugnay nito ay iniutos ng ng PNP ang paghihigpit ng seguridad sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa.
Noong Nobyembre pa inilabas ang desisyon ngunit ipinagpaliban muna matapos humiling ng dagdag na 30 araw si Quezon City Regional Trial Court Branch 21 Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Matatandaang 58 katao, kabilang ang mga mamamahayag ang napatay sa malagim na masaker na nangyari sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.
Itinuturong utak ng krimen si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
Tinagurian itong “single deadliest event for journalists” ng grupong Committee to Protect Journalists ang Maguindanao massacre.