MAGKAKAROON na ng live scan fingerprint verification system sa lahat ng polling precincts sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Commission on Elections Spokesperson James Jimenez na sa pamamagitan ng live scan fingerprint verification system ay matutukoy agad kung ang isang botante ay nakarehistro na partikular sa pinasukan nitong polling precinct.
Layunin nitong gawing mas systematic ang pagdaraos ng halalan sa Mayo 2019.
Ngayong Nobyembre ay sisimulan na ng Comelec ang pagdinig para sa mga nuisance candidate na bubuksan sa publiko.
Comments are closed.