LIVELIHOOD AT SHELTER AID (Sa mga naapektuhan ng pagputok ng Taal)

SHELTER AID

MARAMING mga residente na malapit sa Taal Volcano ang umaasa sa pangingisda, pagtatanim at turismo bilang pangunahing pinagkakakitaan o source of income. Sa nangyaring pagputok ng Bulkang Taal kamakailan lang ay nagdulot ng pagkasira ng mga tahanan at kabuha­yan ng marami.

Kaya naman nagpaabot ng suporta ang PLDT wireless unit Smart Communications Inc.  sa mga pamilyang naapektuhan ng naturang pangyayari sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash-for-work assistance, materyales o mga ka­gamitan nang maitayo o maayos nilang muli ang kani-kanilang tahanan. Nakatanggap din ng early warning tools ang mga piling komunidad o lugar.

Para sa cash-for-work initiative, naki­pagtulungan ang Smart sa social welfare office sa Laurel municipa­lity para ma-identify o makilala ang mga benepisyaryo. Sa naturang programa ay nagbigay ng cash assistance ang Smart sa mga piling pamilya sa Barangay Buso-Buso kada araw na ang kapalit ay ang paglilinis at rehabilitas­yon ng kani-kanilang tahanan.

Karamihan sa mga apektadong residente ay naniniharan o nananatili pa sa evacuation cen­ters. Gayunpaman, may oras namang pinapayagan ng municipal social welfare office ang ilan na makabalik sa kani-kanilang tahanan upang makapaglinis, mapakain ang mga alaga at magawa ang iba pang household concerns.

Nakatanggap din ang Laurel ng disaster warning tools na bati­ngaw, isang bell o siren na maaaring magamit ng lugar bilang early warning device. Dalawang batingaw ang natanggap ng mga villager upang ma­gamit para maipaalam sa mga kapwa residente ang imminent natural o man-made threats.

Nabiyayaan din ang Aeta community sa Batangas province ng assistance mula sa Smart. Dahil sa nangyaring pagputok ng bulkan ay nawalan ng kabuhayan at tahanan ang mga residenteng matagal nang nani­nirahan sa coastal areas ng San Luis. Karamihan sa mga padre de pamilya sa nasabing komunidad ay mga construction worker, fisherfolk o nag-aalaga ng hayop.

Naghandog din ang Smart ng pawid o nipa palm, sawali at iba pang magagamit para makagawa ng panibagong tahanan ang mga ito sa paglipat nila sa mountainous areas. Sa ngayon ay mahigit na 70 Aeta families o 300 individuals ang nanunuluyan sa Barangay Banoyo.

“The best way to show our love for residents affected by the Taal Volcano eruption is through actions that can help them rebuild their lives,” ani PLDT-Smart public affairs head Ramon R. Isberto. “In time for Valentine’s Day, instead of just offering thoughts and prayers, let us show our concern in more tangible and meaningful ways.”

Ang tulong na inihandog ng Smart ay bahagi ng broader community relief program ng parent company na PLDT at ang kanilang affiliate companies sa ilalim ng Tulong Kapatid consortium. CT SARIGUMBA

Comments are closed.