MAGSASAGAWA ang Mindanao Development Authority (MinDA) ng capability trainings sa financial management at livelihood opportuni-ties para sa mga biktima ng lindol sa Davao Region at Cotabato sa pamamagitan ng MinDA Tienda project.
Ayon kay MinDA Secretary Emmanuel Piñol, ang ahensiya ay bumubuo ng isang post-disaster intervention project na tutulong sa mga biktima ng lindol na maging self-reliant at independent mula sa mga ayuda habang bumabangon mula sa sunod-sunod na lindol.
“The relief assistance and dole outs won’t last for long,’’ paliwanag ni Piñol.
Dagdag pa niya, ang resulta ng mga lindol ay magkakaroon ng mas mahabang epekto sa buhay ng mga indibidwal, lalo na yaong mga malilipat ng tirahan at mawawala sa kanilang mga komunidad.
Aniya, matapos ang capability training sa financial literacy and livelihood ay bubuo ng mga asosasyon at kooperatiba.
Sinabi pa ni Piñol na ang MinDA TienDA outlets ay itatayo sa first quarter ng 2020 sa lahat ng earthquake-affected areas na magiging pagmamay-ari at pangangasiwaan ng mga biktima ng lindol.
“This new advocacy that MinDA is introducing could be the first of its kind in the history of post-disaster interventions in the country,” ani Piñol.
Ang MinDA TienDA outlets ay magsisilbing bantayog ng katatagan ng mga Filipino at ng diwa ng self-reliance sa gitna ng mga kalamindad.
Hihingin din ng MinDA ang suporta ng development partners sa pagkakaloob ng pondo para sa capitalization ng operasyon ng MinDA TienDA outlets.
Ang MinDA TienDA ay unang isinagawa sa North Cotabato noong nakaraang buwan at lilipat ito sa Davao del Sur ngayong buwan, partikular sa bayan ng Bansalan at lungsod ng Digos. PNA
Comments are closed.