(Livestock, poultry production bumagsak) AGRI OUPUT BUMABA SA Q1

PSA-2

BUMAGSAK ang agricultural output ng 3.3% sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa  Philippine Statistics Authority (PSA).’

Sa datos ng statistics bureau, ang halaga ng agricultural production ay bumaba sa P421.448 billion sa first quarter sa constant 2018 prices.

Ito ay kumpara sa P492.810 billion sa fourth quarter ng 2020 (-3.8%) at sa P443.602 billion sa kaparehong quarter noong nakaraang taon (-1.7%).

“This was due to the reduction in the livestock and poultry production,” paliwanag ng PSA.

Ayon pa sa PSA, ang livestock production, na bumubuo sa 14.2% ng total output, ay bumagsak ng 23.2% sa naturang quarter, habang ang hog production ay bumaba ng 25.8%.

Naunang sinisi ng Department of Agriculture (DA) ang African swine fever (ASF) sa pagbagsak ng suplay ng baboy sa Metro Manila.

Samantala, bumaba ang poultry production ng 7.4%, na bumubuo sa 13.3% ng total output.

“Despite the output decline, the entire livestock subsector logged a production value of ₱82.09 billion, up by 10.8% from a year ago, because of higher farmgate prices in 2021,” ayon sa PSA.

Inaasahan ng DA na matatamo ang full-year growth na 2.5% para sa sektor ng agrickuktuta ngayong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *