KABILANG sa mga fashion trend o mauusong moda ng kasuotan para sa 2019 ay ang napiling “color of the year” ng isang kompanya sa Amerika at ang mga damit na “tie-dye,” sabi ng isang designer.
Ayon sa fashion designer at entrepreneur na si Chynna Mamawal, isa sa mga pinakapatok na kulay ngayong taon ang “living coral,” na napiling color of the year para sa 2019 ng Pantone, isang kompanyang nirerespeto sa industriya ng disenyo.
“Ang color of the year natin is living coral. So medyo orange, red,” sabi ni Mamawal sa programang “Sakto” ng DZMM.
“So parang ang living coral ang nire-represent niya is being sociable and energy, positive energy,” dagdag ni Mamawal.
Hindi rin limitado sa mga damit ang pagkauso ng living coral kundi pati na rin sa mga bag, aksesorya, at maging mga dekorasyon sa bahay.
Magiging malaking trend din sa 2019 ang tie-dye.
Ang tie-dye ay paraan ng paglikha ng mga padron sa tela, sa pamamagitan ng pagbuhol ng sinulid, at katulad, upang hindi makasipsip ng tina ang ibang bahagi ng tela.
“Big trend siya this year, mapababae, mapalalaki, dresses, polo, tie-dye,” sabi ni Mamawal.
Patok din daw sa 2019 ang mga pantalong maong na “acid wash” kung saan may mga bahagi ng pantalon na mistulang kupas ang kulay.
Uso pa rin sa 2019 ang feathers o mga balahibo na hindi lang din sa mga damit kundi pati sa sapatos, bag, at iba pang aksesorya.
Isa rin daw trend para sa mga babae ang pagsuot ng PVC shoes o iyong mga sapatos na see-through.
Sa mga mahilig sa bright o matitingkad na kulay, bida ang mga kulay na pula, orange, at lima green, ha-bang brown, white, at deep blue naman ang mga kulay para sa mga mahilig sa neutral colors.
Comments are closed.