Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat at maasahang serbisyo ng kuryente, hindi lamang sa mga pangunahing mga siyudad o munisipalidad kundi maging sa mga liblib na lugar, para sa pangkalahatang pag-angat at muling pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya.
Batid ang kahalagahan ng papel nito bilang pinakamalaki at nangungunang electric distribution utility sa bansa, patuloy ang Manila Electric Company (Meralco) na nagsusumikap na makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa 7.5 milyong customer nito sa Metro Manila at iba pang karatig-probinsya na sakop ng prangkisa.
Hindi rito natatapos ang paghahatid liwanag ng Meralco. Sa pamamagitan ng One Meralco Foundation (OMF), ang sangay nitong nangangasiwa sa mga proyektong ukol sa pagtulong sa komunidad, ginawang pangunahing adbokasiya ng kumpanya ang pagpapailaw sa mga malalayong komunidad na wala pa ring access sa kuryente.
“For many years, we have been focusing on home electrification for low-income families as well as in public schools’ electrification in far-flung areas which extend outside Meralco’s franchise area. These communities which still struggle with access to electricity are really in remote islands and mountainous areas which makes our work very missionary in nature since we really try to reach even the farthest barangays,” pahayag ni Meralco Chief CSR Officer at OMF President Jeffrey O. Tarayao.
LIGHT UP PILIPINAS
Noong 2021, pinangunahan ng OMF ang proyektong Light Up El Nido – isang solar lamp donation campaign na nakatulong sa 600 na pamilya mula sa 12 na komunidad sa mga barangay ng Bucana, Bebeladan at Teneguiban sa El Nido, Palawan.
Dahil sa tagumpay ng kampanya, nagdesisyon ang OMF na opisyal itong gawing malawakang programa na kinilala bilang Light Up Pilipinas. Gamit ang pondong nalikom mula sa donasyon ng mga Meralco corporate customer at mga empleyado na nagkakahalagang Php1.8 milyon, nakatakdang magpamahagi ang Foundation ng 3,600 na solar lamp sa mga komunidad na nasa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa ngayong taon.
Bilang unang komunidad na tutulungan ng Light Up Pilipinas ngayong 2022, 300 na pamilya mula sa munisipalidad ng Morong, Abucay, Orani, Mariveles at Baga sa probinsya ng Bataan ang nakatanggap ng mga Namene SM100 solar light noong ika-12 ng Hunyo kasabay ng paggunita sa ika-24 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ang inisyatibang ito ng OMF ay nagbigay ng kakaibang kahulugan sa okasyon dahil sa pamamagitan ng Light Up Pilipinas, tagumpay nilang napalaya ang 300 na pamilya sa paggamit ng mga kerosene lamp at iba pang uri ng ilaw na may masamang epekto sa kalusugan.
Maaaring magamit sa iba’t ibang paraan ang Namene SM100 solar light. Kung ito fully charged, maaari itong magamit ng 12 oras. Tiyak na kapaki-pakinabang ito sa mga residente lalo na kung nangangailangan ng liwanag ang mga ito para makapaghanap-buhay gaya ng pangingisda, pagsasaka, pagiging forest ranger, pagtitinda, at iba pa.
Ang One Million Lights Philippines (OML), isang kilala at nationally awarded na non-profit organization na binubuo ng mga kabataan, ang kaisa ng OMF sa proyektong ito. Tulad ng OMF, adbokasiya rin ng nasabing grupo ang paghahatid ng liwanag sa mga Pilipinong nangangailangan, katulong ang mga lokal na pamahalaan, at iba pang organisasyon.
LIWANAG PARA SA HANAP-BUHAY
Ang mga komunidad ng mga katutubo ay kabilang sa mga tinutulungan ng electrification program ng OMF. Isang halimbawa nito ay ang komunidad ng mga T’boli sa South Cotabato.
Ang paghahabi ng T’nalak ay karaniwang ginagawa sa kalaliman ng gabi hanggang madaling araw bilang bahagi ng tradisyon ng mga kababaihang T’boli sa Brgy. Klubi, Lake Sebu, South Cotabato. Ang T’nalak ay isang telang mano-manong hinahabi gamit ang hibla ng abaca.
Bilang resulta ng pagsusumikap ng Lake Sebu Indigenous Women Weavers Association, Inc. (LASIWWAI) na maisalba ang kultura nito, sa pangunguna ng presidente nitong si Jenita Eko, dumami ang tumatangkilik sa T’nalak. Dahil dito, mula sa pagaalga ng mga bata at pag-asikaso sa bahay, ang mga kababaihang T’boli ay naging breadwinner ng pamilya dahil sa kinikita ng mga ito sa paghahabi ng T’nalak.
Sa kabila ng bumubuting kabuhayan ng T’boli dahil sa paghahabi ng T’nalak, nananatili namang hamon ang kawalan ng maaasahang serbisyo ng kuryente sa lugar dahil nagsisilbi itong balakid sa tuluyang paglago ng hanapbuhay ng komunidad.
Bagamat may kamahalan, ilang pamilya ang napilitang kumonekta sa isang malapit na resort para lamang magka-kuryente. Ang iba naman ay nagta-tiyagang gumamit ng gasera na hindi ligtas gamitin lalo na sa paghahabi dahil madaling masunog ang mga hibla ng abaca.
Batid ang matinding pangangailangan ng mga kababaihang T’boli, nagpamahagi ang OMF ng solar-powered na home lighting kits na may lamang solar panel, tatlong LED na ilaw, at lithium na baterya na kayang mag-suplay ng liwanag sa loob ng 12 oras. Madali rin itong iligpit at itago sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan o bagyo.
“Now that we are using solar power, we won’t need to spend any more on electricity or kerosene. Besides, it is also safe to use especially during weaving. We are very thankful to One Meralco Foundation. I know that this is not your first time to help the T’bolis. Even if we are far away in the mountains, you did not hesitate to come here to extend support to us,” pahayag ni Eko.
LIWANAG PARA SA MGA PAARALAN
Taong 2011 nang sinimulan ng OMF ang School Electrification Program nito na naglalayong mabigyan ng kuryente ang mga paaralang nasa malalayo at liblib na lugar sa bansa. Pumapangalawa ito sa household electrification program bilang pinakamalaki at pangunahing programa ng Foundation.
Ang dedikasyon ng OMF ang nagdala sa kanila sa maliit na isla ng Pandanon sa Getafe, Bohol, na may populasyong humigit kumulang 2,300. Pangingisda at pagbebenta ng mga huli sa Cordova, Cebu ang pangunahing hanapbuhay sa isla dahil sa kagandahan ng lokasyon nito.
Naniniwala ang 29 taong gulang na public teacher na si Kurk Russel Abing na ang edukasyon ang sagot sa kahirapan sa isla, batay na rin sa kanyang sariling karanasan. Bilang panganay sa apat na magkakapatid, nasaksihan niya kung paano naghirap at nagsumikap ang kanilang mga magulang upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
Ngayong siya ay nasa isa nang guro, wala pa ring serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar at malaking hamon ito para sa mga katulad niya na nagnanais na makapagturo ng modernong kaalaman sa mga mag-aaral sa lugar.
Ang elementary school sa isla ay isa sa mga natulungan ng School Electrification Program ng OMF. Dahil sa programa, naisagawa ng paaralan ang remote learning na ipinapatupad ng pamahalaan bilang tugon sa pandemya.
Mula 2011, nakapagkabit na ng humigit kumulang 3-kilowatt peak (kWp) na solar photovoltaic (PV) system sa 276 na pampublikong paaralan sa bansa. Ito ay nakatulong sa higit 86,000 na mag-aaral at halos tatlong libong guro. Sa ngayon, nasa 16 na paaralan na ang natulungan ng programa – 7 sa Mindanao, at 9 naman sa Visayas, kabilang ang Pandanon Elementary School.
Maraming malalayo at liblib na komunidad na ang natulungan ng OMF. Sa pagpapatuloy ng adbokasiyang ito, mas maraming komunidad na walang kuryente ang mabibigyan ng pagkakataong umangat ang antas ng pamumuhay dahil para sa OMF, walang malayong barangay ang hindi nito kakayaning puntahan at tulungan.
“Our electrification programs were born out of this need. Scattered across the country are pockets of communities with establishments like schools that still don’t have access to electricity. It is part of OMF’s mission to find ways to help residents in remote areas experience the benefits of having electricity with the hope that this will empower them to continue thriving for a brighter future,” sabi ni Tarayao.