SA PAGPASOK ng bagong taon, tinitiyak ng Senior Citizens Partylist ang patuloy na pagseserbisyo sa ating mga lolo at lola partikular para mapangalagaan ang kanilang mga paningin.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Senior Citizens Partylist sa VBE Eye Center.
Kabilang sa mga serbisyong ipagkakaloob ng Senior Citizens Partylist at VBE Eye Center ay ang libreng cataract surgery kasama na ang paggamit ng operating room complex at associated medicines sa opearsyon sa ilalim na rin ng coverage ng PhilHealth Cataract Package; libreng basic foldable Intra-ocular lens; libreng post-operative eye drops and protective goggles; dalawang Post-operative check-up at iba pang ambulatory eye surgeries.
Sa pamamagitan ng pagsanib-puwersa ng Senior Citizens Partylist at VBE Eye Center, layon na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa sa ating mga minamahal na senior citizens.
Para makuha ang serbisyong ito, kinakailangan ang endorsement mula sa opisina ni Cong. Rodolfo “Ompong” Ordanes at ang inyong Senior Citizens Partylist Membership ID.
Maaari ring makipag-ugnayan kay Miss Jane sa (0933) 820 0225 o sumadya sa kanilang tanggapan sa Rm. 306, 3rd Flr The One Executive Office Building
West Avenue, Quezon City at Barangay Project 6, Barangay Hall Compound, Quezon City
“Sa pagtutulungan natin, patuloy nating pangalagaan ang kalusugan at kabutihan ng bawat nakatatandang Pilipino,” pahayag ni Ordanes.