LIMANG taong nanilbihan si Liza Dino Seguerra bilang CEO at chairperson ng FDCP kaya nakakapanghinayang ang mga proyektong sinimulan niya na hindi natapos. Co-terminus si chair Liza ng Presidente ng Pilipinas kaya bababa siya sa puwesto pagkatapos ng halalan. Ang tanging hiling lang niya, ipagpatuloy sana nung papalit sa kanya ang mga dating projects dahil para naman ito sa movie industry.
“Sana, huwag tanggalin ‘yung mga programang naumpisahan na kundi payabungin, palakihin, i-expand pa po para mas lalo pa po siyang maging relevant” ani Liza.
Abala ngayon ang hepe ng FDCP sa 6th Film Ambassadors’ Night na itatanghal sa Metropolitan Theater sa Feb. 27. Pangungunahan ng aktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si John Arcilla ang honorees sa pagtanggap ng Camera Obscura Artistic Excellence award para sa pelikulang “On The Job: The Missing 8”. Awardee rin ang “Whether the Weather Is Fine (Kun Maupay It Panahon)’ ni Direk Carlo Francisco Manatad at ‘Gensan Punch’ ni Direk Brillante Mendoza.
Ipagkakaloob ang Gabay ng Industriya Awards sa veteran actress na si Rosa Rosal (Ilaw ng Industriya) at dating producer na si Jesse Ejercito (Haligi ng Industriya).
Pararangalan din sa Film Ambassadors’ Night 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinikilala sa iba’t ibang international film festivals noong nakalipas na taon.
May special citation ang Kapamilya star at host ng ‘It’s Showtime’ na si Vice Ganda.
Ngayon libre na si Liza, mapagtutuunan na nila ni Ice Seguerra ng sapat na oras at atensyon ang matagal na nilang plano na magka-baby.
“Yung plans namin for the baby, ipa-prioritize na namin,” ani Liza.
KC CONCEPCION, SHARON CUNETA MAY HIDWAAN PA RIN
VERY proud si Megastar Sharon Cuneta sa pagbibida sa isang Hollywood movie na ‘The Mango Bride’ na film adaptation ng isang award-winning novel, na isinulat ni Marivi Soliven at directed by Filipino-Canadian filmmaker na si Martin Edralin.
At hindi lang artista si Sharon sa movie dahil isa siya sa magiging producer nito sa ilalim ng global IP firm 108 Media at Los Angeles-based BOLD MP.
“I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this,” saad ng Megastar. “I have long been a fan of Marivi Soliven’s writing, from Suddenly Stateside, her collection of light essays about living in the U.S., to ‘The Mango Bride.’ She captures the Filipino migrant and Filipino American experience skillfully.”
Hindi pa alam kung kelan magsisimula ang taping nito.
The Mango Bride tackles the intersecting lives of two Filipino women who move to California. As their lives meet and connect, Amparo — a quiet socialite born into a wealthy family — and Beverly — a wide-eyed mail-order bride — discover hidden secrets.
Busy man sya sa pangangampanya para sa mister na tumatakbong vice president, tuloy pa rin ang taping para sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ kung saan gumaganap siyang anak ni Tommy Abuel. At hindi cameo ang role niya dito kundi mahalagang papel dahil siya ang ina ni Mara (Julia Montes) sa kwento, na panibagong love interest ni Coco Martin. Pero very observant talaga ang mga netizens. Imagine, napansin nilang hindi kasama si KC Concepcion sa mga itinag sa post ni Sharon. Big deal!
XIAN LIM INUNTOG ANG ULO DAHIL SA SELOS
IBINUKO ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na natanggal ang ngipin ni Xian Lim matapos iumpog ang kanyang ulo nang magselos ito.
Sa kanilang Valentines Date Trip, nag-Question and Answer portion ang magdyowa. Game nilang sinagot ang ilang katanungan ni Cheena Crab at kabilang sa naitanong ay kung sino sa kanilang dalawa ang mas seloso o selosa.
Sabi ni Xian, mas selosa si Kim dahil maurirat at guston malaman kung ano ang ginagawa niya at kung sino ang kasama niya. Sabi naman ni Kim, maurirat lang siya pero hindi selosa. Mas seloso raw si Xian dahil may time a sa sobrang selos nito, inuntog pa ang ulo sa manibela kaya natanggal ang ngipin. Depensa naman ni Xian, hindi raw dahil sa selos ‘yun kundi may pinagtalunan sila ni Kim.
“Ay, di ako seloso, ha. Wala naman akong ano. Chill lang ako, e,” depensa ni Xian. “Ikaw yung maya’t maya, ‘Ano ginagawa mo? Sino kasama mo?'”
Katuwiran naman ni Kim, “Yun lang. Matanong ako.”
Normal lang sa isang relasyon ang selosan. Hindi naman si Xian ang tipo ng lalaking mamimisikal o nagiging violent kapag nagalit kaya siguro imbes kay Kim niya ibuhos ang galit, sarili niya ang sinasaktan. Sa true lang, masakit yung pag-untog sa manibela ng ulo ha!