LIZA SOBERANO TO FOLLOW HER STAR

Sandaling umalma sa Pilipinas si actress Liza Soberano — sa gitna ng kanyang kasikatan — para hanapin ang kanyang kapalaran.

Nakatira na siya ngayon sa Los Angeles, mag-isa. Isang achievement na matatawag, dahil ilang taon lang ang nakalipas, kasama niya ang ilang miyembro ng management team at talents sa Careless, na nagrenta ng isang bahay sa LA. 12 o 15 yata silang magkakasama dito sa loob ng ilang buwan.

Mahirap dahil Siksikan nga, at nagkakaroon din ng clash of personalities dahil iba-iba naman sila ng pinanggalingan, pero eventually, nagkahulihan din ng loob at naging magkakaibigan sila.

Yung mga inconveniences na yon, balewala kumpara sa naging  desisyon niyang pansamantalang iwan ang kanyang successful career sa Pilipinas, ngunit walang kasiguruhan kung mayroon na siyang mapapala, lalo pa at ang tinatarget niya ay ang Hollywood.

Hindi ito biglaang desisyon. Pinag-isipang niya itong mabuti. Naisip raw niya, panahon na para mag-explore ng bagong opportunities at lumabas sa kanyang comfort zone, kahit pa alam niyang mahihirapan siya at maho-homesick.

Inoperahan siya sa US at marami siyang nakilala habang nagpapagaling. Doon siya nakapag-isip-isip. Marami pa palang possibilities sa kanyang career. Nasa Pilipinas pa lang siya, ini­isip na niya kung paano mai-improve ang kanyang sarili at ang kanyang career. Parang wala na raw pupuntahan ang career niya sa Pilipinas. Hindi na siya nae-excite dahil iyon at iyon din. Hindi na raw siya naggo-grow as an artist, and as a person.

Nagsimula ang kanyang acting career began noong 2011 sa KathNiel love team. Kalaunan, nag-click ang LizQuen, na si Enrique Gil ang kanyang ka-love team. Eventually, ipinahiram niya ang kanyang boses kay Alexandra Trese sa Netflix adaptation ng graphic novel na Trese.

Noong 2022, sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa ABS CBN, lumipat siya sa Careless, ang katatatag na management company ni James Reid na nakabase sa US. nagkaroon siya ng ambitious goal — ang makapasok sa Hollywood.

Matagal na niya itong gusto pero walang pagkakataon kaya akala niya, dream lang ito talaga. Ngayon, malapit na ito sa katotohanan.

Careless umano ang nagbigay sa kanya ng lakad ng loob. Naramdaman raw niyang finally, may real chance na dahil may mga koneksyon sila sa LA at Western style of management sila magtrabaho — bukod pa nga sa alam niyang hindi siya pababayaan ng half-Pinoy din na si James.

“I guess that hunger for growth, hunger for excitement, hunger for living my life the way I want to live it for myself was stronger than me wanting to maintain whatever it was that I had, whatever success, whatever fame that I had in the Philippines,” aniya.

Sa pag-alis niya sa Pilipinas, totoong maraming nawala sa kanya, lalo na ang mga supporters, mga taong  nagkaroon siya ng personal relationships, at marami pang iba. Pero gusto raw niya ng challenges.

At nagbunga naman ang kanyang efforts sa kanyang debut Hollywood film, ang dark comedy Lisa Frankenstein. Siya si Taffy, ang masayahins stepsister ni Lisa (portrayed by Kathryn Newton), at talaga namang napansin siya dito. Ayon sa review ng Vanity Fair, Liza’s portrayal is “one of the film’s chief pleasures.” Ayon naman sa The Wrap, isa siyang “breakout star” for her hilarious and heartwarming performance.

Mas lalo namang naging inspirado si Liza dahil sa magagandang reviews. Mas naging confident din siya na tama ang kanyang desisyon.

Mula pa 2022, pabalik-balik na si Liza sa Manila at LA. Pero kamakailan, pumunta siya sa Bangkok bilang guest sa official launch ng Gucci Visions. Kasama niya dito si Careless founder and singer James Reid. Dumalo rin si Liza sa fashion pop-up sa Emsphere, isa sa pinakabagong trendiest malls sa Bangkok, kasama sina Gucci ambassadors Billkin Putthipong Assaratanakul, Davika Hoorne, at Gulf Kanawut Traipipattanapong.

“My favorite Gucci piece is the Gucci Jackie Notte, a red purse that I happened to use in my L’Officiel shoot. It’s my favorite since my mother’s name is Jackie, and carrying that bag reminds me of her. But it’s also quite stylish, and it currently features Gucci Ancora Red, which became my new favorite color when it was released. I even dyed my hair in that color for a while.”

Mapili si Liza sa pagpa-participatebsa mga fashion shows anlt brand eventsbsa abroad. Pero gusto nya talaga ang Gucci kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataong maging bahagi ng exhibit  inauguration nito bago bumalik sa LA.

Mula nang ipalabas ang Lisa Frankenstein, maraming alok Kay Liza na mag-audition sa mga roles sa comedy ay horror genres. Dagdag pa sa mga scheduled appointments sa producers, casting directors, at iba pang industry professionals, dasali rin si Liza sa isang acting course, four times a week. Baka subukan din niya ang producing, at makikipag-partner siya with established production companies sa LA atvSouth Korea. “Right now, I have seven projects on my slate ranging from scripted all the way to a reality show type of format. Out of the seven, only three are the ones that I’m focused on in the next two or three years. These are the ones with the most traction. All three projects are for the Philippines, for the Filipino audience but our goal is to create for the local market that translates to a global audience,” Liza explains.

Makikipag-collaborate ang kanyang production company sa 3AM Collective, isang independent studio specializing in the development, production, finance, and sales for innovative filmmakers in the feature film, TV, non-scripted TV, and documentary genres. Makikipag-collaborate din siya sa Third Culture Content na nakabase sa Seoul at LA na ang focus naman ay paggawa ng cross-cultural entertainment, at Transparent Arts,  entertainment agency, na nagma-manage Kay Liza saUS, at primary partner niya sa kanyang production company.

Kahit malayo siya sa bansa kung saan siya unang nakilala, liban sa tinutupad niya ang kanyang pangarap, ang pagsisikap niya sa US ay paghahanda na rin para kanyang pagbabalik sa bansa.

“I want the Philippines to thrive. Whenever I say something or whenever I do American interviews and I’m criticizing certain things about the way we do things, people think that I’m shitting on the Philippines; I’m hating on the Philippines. No! I want certain things that are not right or are not working correctly to change,” amin ni Liza.

“Right now, I do think my voice is influential but I don’t know how serious people take what I say…By going to Hollywood, I want to encourage other artists to have standards for themselves, and to encourage them to think bigger, to have confidence in themselves that they can dream, they can be ambitious, they can set bigger goals,” aniya.

Alam niyang baka ma-misinterpret pero okay lang.

“I’ve come to terms with the fact that not everyone’s going to understand me, not everyone’s going to think I’m right, and that’s okay.”

RLVN