Hindi na pala ang talent management ni James Reid ang nagma-manage ngayon kay Liza Soberano.
Ayon kay James, desisyon ni Liza na humiwalay at magsarili, ngunit nagkausap naman sila ng maayos bago ito nangyari kaya wala silang samaan ng loob.
Actually, July 29 pa umano umalis si Liza sa kanilang roster, pero September 14 lamang nila naihayag dahil may kumalat na balitang nagkasamaan nga raw ng loob sina Liza at James.
“It’s been great working with her (Liza), and we wish her all of the best for her plans in the U.S. and her career,” ani James. “Even though she’s no longer managed by us, may babalikan siya dito sa Pilipinas especially with the Careless team. We’ll always be here for her.”
Sa nasabing pahayag, nilinaw ni James na consentual ang pag-alis ni Liza at nananatili silang magkaibigan kahit wala na ito sa Careless Music, talent management na binuo ni James.
Sa kanyang Instagram, sinabi ni James noong September 14:
“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024.
“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors.”
Inakala ng maraming may naganap na alitan sa dalawa ngunit agad itong pinabulaanan ng kampo ng Careless Music.
Napansin naman ng mga netizens na nag-unfollow si Liza sa Careless Music kaya mayroon pa ring bulungan.
Nilinaw naman ni James na talagang hindi niya pinigilan si Liza nang nagpaalam itong aalis sa Careless music dahil sa simula pa lamang ay usapan na nilang pwedeng umalis si Liza anytime na gusto niya.
Pahayag ni James: “Desisyon niya [Liza] na umalis sa Careless.”
Lahat umano ng talents nila ay may termination convenience clause sa kontrata na pwedeng umalis anytime, basta pinayagan niya. At pumayag nga umano siyang umalis si Liza. Nag-uusap sila ng maayos kaya okay lang.
Gusto raw kasi ni Liza na mag-focus ang career niya sa Hollywood kaysa manatili sa Pilipinas, na iba naman sa kanilang career path. Mas focus daw kasi sila sa Pilipinas.
Bukod sa magkaiba sila ng focus, may tiwala raw si James Kay Liza na gagawin nito ang lahat para maabot ang kanyang pangarap.
Napansin umano niyang proactive si Liza at alam nito ang kanyang gusto.
Nagkapangalan kahit paano si Liza sa Hollywood mula nang makasama siya sa pelikulang Liza Frankenstein, kung saan gumanap siya sa papel na Taffy, ang masayahing stepsister ni Liza Frankenstein (Kathryn Newton), na mahilig sumali sa pageant at sikat ding cheerleader.
Ani James, ngayong nasa US na si Liza, nakatulong na sila, at kaya na nito ang kanyang sarili, okay lang na mawala na sila sa picture.
Talaga raw maluwag siya kay Liza dahil sikat na ito nang lumipat sa Careless.
June 2022 naging bahagi ng Careless Music si Liza, at nagsimulang ma-expose sa ilang events sa US. Nakilala niya ang American director na si Zelda Williams kaya nakasama siya sa cast ng Liza Frankenstein.
“I did help her a lot with the initial meetings with her co-management in the U.S., even with that first film Liza Frankenstein,” Ani James. “I introduced the director, but everything after that was really her. Now that she’s no longer with Careless, I know she has a co-management in the U.S., that’s Transparent Arts.”
Tingin umano niya ay sasabak si Liza sa production ng sarili niyang series at film. Nagsasagawa rin umano si Liza ng mga auditions sa iba’t ibang projects sa US.
Bilib daw naman si James kay Liza dahil sa dalawang taong kontrata niya sa Careless ay naging “very cooperative” umano ito. Masaya at proud daw si James sa narating at mararating pa ng aktres. No matter what, suportado umano niya si Liza. At kung gusto raw bumalik ni Liza sa Careless Music, welcome pa rin ito, hindi lang bilang talent kundi kapamilya.
RLVN