LIZQUEN MAGPAPAKILIG SA FANS SA ALI MALL

LIZQUEN

NAKATAKDANG magpakilig sa kanilang fans ang reel and real-life couple Liza Soberano and Enrique Gil sa Ali Mall sa kanilang live per-formance ngayong araw,  Pebrero 10, tatlong araw bago ang kanilang pinaka-hihintay na pelikula ng taon, ang “Alone/ Together” na ipala-labas sa mga sinehan sa buong bansa.

Sa direksiyon ni Antoinette Jadaone at produced ng Blacksheep, ang “Alone/ Together” ay tungkol sa love story nina Christine (Liza) at Raf (En-rique), college sweethearts mula sa UP at UST na nagkahiwalay at muling nagkita matapos ang ilang taon.

Ipalalabas ang “Alone/ Together” simula Pebrero  13, 2019. Ang mga bibili ng tiket ng “Alone/Together” sa Cineplex Opening Night ay nasa regis-tration booth sa  Ali Mall activity area ngayong araw ng Pebrero at makapapasok sa activity area at panoorin ang kanilang paboritong tandem ng live.

Ang LizQuen’s “Alone/ Together” mall show ay karugtong ng serye ng pasyalan na ginaganap sa Araneta Center na handog ang mga main cast ng local movies, tulad ng kina Janine Guttierez at Enchong Dee (“Elise”), Louise De Los Reyes and Xian Lim (“Hanggang Kailan”), Aga Mulach and Bea Alonzo (“First Love”), Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (“The Hows of Us”),  Yassi Pressman and Marco Gumabao (“Para sa Broken Hearted”), and Alex Gonzaga and Kiko Necesario (“Nakalimutan ko Nang Kalimutan Ka”).

Para sa iba pang impormasyon at ibang Araneta Center updates, puntahan ang  www.aranetacenter.net at sundan ang @TheAranetaCenter on Facebook and Instagram and @AranetaCenter on Twitter.

Comments are closed.