KUNG ang pag-uusapan ay ang makatotohanang eksena, game na game diyan sina LJ Reyes at Jennylyn Mercado. Si Jen kahit anong peligro ng kanyang mga stunt sa “The Cure” ay siya mismo ang gumagawa nito at hindi siya nagpapa-double. Enjoy naman daw kasi si Jen sa mga eksenang maaksiyon at dahil first time niyang lumabas sa ganitong genre, all out talaga si Jen.
Maging ang kanyang kontrabida na si LJ Reyes, ay feel na feel ang mga ginagawang ‘kasamaan’ kay Jen. At dahil daw sa parehong ‘palaban’ ang dalawa sa mga eksenang peligroso ay nagkapisikalan daw sina LJ at Jen sa kanilang fight scene. Dahil hindi naman daw sila close sa isa’t isa at gustong patunayan ang professionalism ay ginawa na raw nilang totoong bugbugan ang kanilang eksena.
Sa panayam kay LJ, wala raw katotohanan ang naturang tsika, hindi raw siya darating sa puntong sasaktan niya ang kanyang co-stars sa isang fight scene. Say pa rin ni LJ, bago pa man kunan ang pisikalan nilang dalawa ni Jen ay todo-rehearse daw ang kanilang ginawa, talagang ginawang perpekto ang bawat galaw upang walang masaktan sa isa’t isa lalo pa nga’t kailangan lumabas na makatotohan ang kanilang away.
THEA TOLENTINO NAGMUKHANG TANGA
HINDI akalain ng young actress na si Thea Tolentino na magmumukha siyang tanga sa paggawa ng isang video para makasabay sa trending na cool na cool na video ng kantang “In My Feelings”. Dapat sana ay bababa si Thea sa sinasakyan niyang kotse habang nagsasayaw at sinusundan ang kotse habang umaandar. At nagsimula nang mag-video itong si Thea ay ganoon na nga ang kanyang ginawa pero imbes na sumabay si Thea sa sasakyan ay pinatakbo ng mabilis ng kanyang driver ang kotse kung kaya naiiwan si Thea. Sigaw to the max naman ang ginawa ni Thea para bumalik ang driver niya at kunin ulit siya.
Sa ngayon ay in full recovery na si Thea pagkatapos ng kanyang operasyon sa dibdib kung saan ay tinanggal ang isang bukol at waiting na sa susunod niyang project sa GMA7.
MAXINE MEDINA PINILI ANG SHOWBIZ KAYSA BOYFRIEND
MAS pinili ni Maxine Medina ang showbiz world kaysa sa kanyang boypren na for almost years na rin. Simula pa lang nang manalo siya sa Binibining Pilipinas hanggang sa pasukin na rin niya ang mundo ng showbiz. At dahil sunod-sunod ang karaketan at movie na ginagawa ni Maxine, andiyan ang nauna nang “Spirit of the Glass 2” kung saan siya in-introduce, nasundan pa ito ngayon ng “Pinay Beauty” at “Kusina Kings”, nawalan na raw diumano ng time si Maxine sa kanyang long-time boyfriend kung kaya naging sanhi ito ng kanilang hiwalayan. Say naman ni Maxine, marami pa raw kasi silang gustong i-achieve ng kanyang boyfriend at hindi na rin daw siya bumabata at age of 28. Ani pa rin ng beauty queen turned actress, mas focus daw siya ngayon sa kanyang karir and love can wait na muna ang kanyang drama.
Comments are closed.