TULOY ang pagbibigay ng connectivity load program para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa pagpapatupad ng blended learning.
Tiniyak ito ng Department of Education (DepEd) at sa ilalim ng naturang programa, nakakapagbigay ang kagawaran ng SIM cards na may kasamang 34GB connectivity load kada buwan.
Base sa analytics consumption tests, sapat na ang 1GB kada araw para sa 30 araw na klase bawat buwan upang magkaroon ng access sa e-learning, at whitelisted o zero-rated DepEd applications.
Kaya rin nitong masuportahan ang walong oras na video conferencing.
Hiniling ng DepEd sa Commission on Audit (COA) at Department of Budget and Management (DBM) noong 2020 ang pagbibigay ng internet allowance sa cash, na mangangailangan ng nasa P18 bilyon sa pampublikong pondo.