LUMAGDA ang mga pamahalaan ng Filipinas at Japan sa diplomatic notes para sa karagdagang pagpopondo sa isang proyekto na naglalayong mapatibay ang mga pangunahing tulay sa Metro Manila laban sa mga lindol.
Magkakaloob ang Tokyo, sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency, ng supplemental loan na nagkakahalaga ng 4.409 billion Japanese yen (P2 billion) para sa Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project (Phase II), na magre-rehabilitate sa Guadalupe Bridge sa Makati at sa Lambingan Bridge sa Manila.
Sa paglagda sa diplomatic notes, umaasa si Japanese Foreign Minister Motegi Toshimitsu na ang dagdag na yen credit ay makatutulong sa pagsisikap ng bansa na mapalakas ang imprastraktura nito laban sa mga lindol.
“Recently, several large-scale earthquakes struck various places in the Philippines such as Manila and Mindanao, I wish to express my heartfelt condolences to those who have lost their lives, the victims, and their families,” aniya makaraan ang paglagda, kasama si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Makati.
“Japan wishes to cooperate by leveraging on our knowledge in responding to natural disasters which is a common challenge for both our countries,” dagdag pa niya.
Ang orihinal na loan agreement na nagkakahalaga ng 9.783 billion Japanese yen (P4.5 billion) ay nilagdaan noong Agosto 25, 2015. PNA
Comments are closed.