INATASAN ni Presidente Rodrigo Duterte ang Solicitor General at ang Department of Justice (DOJ) na repasuhin ang lahat ng kontrata na pinasok ng pamahalaan, kabilang ang loan agreements sa China.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, inatasan ng Pangulo sina Solicitor General Jose Calida, Justice Secretary Menardo Guevarra at ang lahat ng legal departments na suriin at rebyuhin ang lahat ng kontrata na pinasok sa private companies at/o countries upang malaman kung may mga mabibigat na probisyon na hindi makabubuti sa mga mamamayang Filipino o lumabag sa Konstitusyon.
Hindi sinabi ni Panelo kung ilang kontrata ang rerepasuhin subalit binanggit ni Guevarra ang concession agreements sa public utilities at foreign loan contracts bilang mga prayoridad.
Ani Panelo, kabilang sa mga rerebyuhin ang China loans.
“As these are contracts, the first course of action should be to jointly review and renegotiate; if this is unsuccessful, legal action for rescission may be resorted to,” ani Guevarra.
May mga kumukuwestiyon sa terms ng $62-million Chico River pump irrigation project na umano’y lopsided pabor sa China. Sinabi rin ng mga environmental group na ang China-funded Kaliwa Dam project ay magdi-displace sa indigenous people at magpapalubog sa mga village sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon.
Inihayag din ng Makabayan bloc noong nakaraang Linggo ang planong kuwestiyunin ang Chico River loan deal sa Korte Su-prema.
Gayunman, sinabi ni Panelo na ang terms ng loan agreements ay “competently and fully negotiated” ng Filipinas at China.
Pinawi naman ni Panelo ang pangamba na ang pagrepaso ay makasisira sa investor confidence sa bansa.
“On the contrary, it will forewarn them that they cannot enter into any agreement that is in violation of the Constitution and pub-lic policy,” aniya.
Sabi pa ng Palace spokesman, ang direktiba ni Duterte ay nag-ugat sa pagbatikos ni Duterte sa probisyon sa concession agree-ment sa Maynilad Water Services Inc. na nanalo noong nakaraang taon sa isang arbitration case kaugnay sa P3.44-billion indemnity claim nito mula sa Philippine government.
“Maynilad scored victory in October 2018 at the High Court of Singapore over the P3.44-billion com-pensation it sought from the government for revenue losses as a result of the unimplemented water rate adjustment.”
Comments are closed.