LOAN PAYMENT MORATORIUM SA LGUs

REP JOHN REY

LUSOT na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukala na layong i-regulate ang coverage ng moratorium sa loan ng local government units (LGUs) sa credit facilities.

Inaprubahan sa komite “subject to style and amendments” ang House Bill 6899 ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco na layong palakasin at palawigin ang monetary at fiscal policies nang sa gayon ay madagdagan ang financial capacity ng mga LGU sa kanilang mga programa at proyekto sa mga constituent ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng dalawang taon na grace period ang lahat ng loans ng mga LGU na sakop ng community quarantine period.

Bukod sa mahabang panahon na moratorium ay tatanggalin din dito ang singil sa interest, penalties, fees and other charges.

Umaasa naman ang may-akda ng panukala na maisasabatas ito sa lalong madaling panahon upang matulungan ang mga LGU na tugunan ang epekto ng pandemya sa kanilang mga lugar.           CONDE BATAC

Comments are closed.