LOANS, LIVELIHOOD AID SA MALILIIT NA BIZMEN

Secretary Ramon Lopez-6

MAGKAKALOOB ang Department of Trade and Industry (DTI) ng tulong pangkabuhayan at pautang sa ma­liliit na negosyante na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, inayos na nila ang mga detalye ng programa na magbibigay ng P50 million na loans sa mga apektadong negosyante.

“We are ready to give out P7,000 to P10,000 cash grant doon sa requiring livelihood assistance. Of course, we’re now assessing who will be eligible for that especially those who lost their business,” ani Lopez.

Hindi naman sinabi ni Lopez ang terms ng pagbabayad sa utang.

Nauna rito ay iniha­yag ng Department of Agriculture (DA) na nakahanda itong magpautang sa mga apektadong magsasaka at mangi­ngisda ng P25,000 na babayaran sa loob ng tatlo taon at walang interest.

Ayon  sa DA, ang pagsabog ng Taal ay nagresulta na ng mahigiti sa P577 million na pinsala sa farms at fisher-ies sa Batangas at Cavite.

Samantala, sinabi ni Lopez na hindi pa kailangang mag-angkat ng karagdagang agricultural products tulad ng karne at iba pang gulay sa kabila ng posibleng pagbabawas sa suplay.

“We have to rely on other sources in other areas in the country. From other provinces muna tayo; (for now) you have to rely on this supply from other provinces,” anang kalihim.

Sinabi rin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagsabog ng Taal ay magkakaroon lamang ng na-pakaliit na epekto sa inflation.

“We believe production from other areas will offset the effects. We don’t think there will be a big effect on infla-tion,” ani Dominguez.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.