LOANS NG SMALL BIZ SA BANGKO GAGARANTIYAHAN NG GOBYERNO –DOF

loan

GAGARANTIYAHAN ng gobyerno ang uutangin ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa mga bangko para makaballk ang kanilang negosyo matapos ang COVID-19 crisis.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, maingat ang mga bangko sa pagpapautang sa MSMEs upang mabawasan ang pagkakalantad nila sa credit losses.

“Para labanan ‘yung risk aversion ng mga bangko ay magbibigay po [ang gobyerno] ng credit guarantee,” wika ni Lambino.

“Sa mga bangko po sila mismo uutang pero may garantiya ang gobyerno na kung ‘di nila mabayaran ay mayroon pong sovereign guarantee sa mga utang na ‘yun,” aniya.

Ipalalabas ng Philippine Guarantee Corp. ang implementing rules and regulations ng programa.

“Ang IRR po niyan specific rules ay ilalabas po pero approved na po siya ng board ng PhilGuarantee at ang mahalaga dapat nakabaling dito sa maliliit na negosyo.”

Bukod sa  sovereign guarantee para sa loans ng maliliit na negosyo, plano rin ng pamahalaan na palawigin ang net operating loss carry-over period sa limang taon mula sa tatlong taon.

Nangangahulugan ito na ang lugi ng maliliit na negosyo ngayong taon ay maaaring ibawas sa kanilang income taxes ng hanggang limang taon.

“Sa batas natin ngayon three years po pwedeng i-deduct na lugi sa isang taon, meaning in the next three years of tax payment. Ang gusto po natin gawing five years para ‘yung mga lugi this year dahil sa COVID-19 at ECQ ay ma-claim nila as tax deduction for five years until 2025,” ani Lambino.

Comments are closed.