LOAY INTERIOR ROAD SA BOHOL ISASARA NG DPWH

BOHOL-PANSAMANTALANG ipasasara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Loay Interior Road (LIR) sa may Barangay Villa Aurora sa Bilar upang mapabilis ang kontruksiyon ng proyekto at maiwasan ang trapik sa nasabing lugar.

Ayon sa DPWH, simula sa Marso 13 hanggang 14 isasara ang LIR para maiwasan ang anumang aksidente habang nagtatambak ng lupa sa malalim na portion ng nasabing kalsada.

Inabisuhan na rin ang mga apektadong motorista na dumaan sa Cortes – Balilihan – Catigbian – Macaas Road to Balilihan – Hanopol – Batuan Road or Corella – Balilihan Provincial Road to Balilihan – Hanopol – Batuan Road kaugnay sa nasabing pagsasara.

Gayundin, ang mga dumaraan sa east coast ng probinsiyang ito na pinadadaan sa Dimiao Junction Tagbilaran East Road (TER) Dimiro – Oac – Bilar Provincial Road para sa papasok at palabas ng Poblacion, Bilar. FROILAN MORALLOS

One thought on “LOAY INTERIOR ROAD SA BOHOL ISASARA NG DPWH”

Comments are closed.