LOCAL ABSENTEE VOTING PLANONG PALAWIGIN NG COMELEC

PINAPLANO ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang local absentee vo­ting (LAV) system para maisama ang mas maraming government workers lalo na ang healthcare professionals para sa darating na May 2025 national, local and BARMM elections (NLBE).

“Gusto natin ito i-expand. Ibig sabihin mas maraming empleyado ng pamahalaan ang nakakapag-avail ng LAV” ani Chairperson George Garcia nitong Biyernes.

“Lalo na sa healthcare sector na alam naman natin nakadeploy sila nang mas maaga pag nagkakaroon ng halalan… Sana ‘yung ibang ahensya rin na kalimitan may trabaho na ginagawa na patungkol sa halalan, marapat sana na makagawa agad ng request sa Comelec para makasama ang kanilang opisina sa LAV” ayon pa sa kanya.

Kabilang sa absentee voters ngayon sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at media practitioners na naka-duty tuwing eleksyon.

Hindi pa inaanunsiyo ng Comelec ang registration period para sa LAV ngunit ayon sa kalendaryo ng komosyon para sa May 12, 2025 midterm elections, nakatakda ang absentee voting period mula April 28 hanggang 30.

RUBEN FUENTES