LOCAL CAMPAIGN RALLY SINIMULAN NA

CAVITE – INILUNSAD ng mga local candidate ang pagsisimula ng campaign period na sinasabing pinakamala­king proclamation rally sa Cavite na ginanap sa Imus City Grandstand kamakalawa ng gabi.

Hindi mahulugan ng karayom ang libu-libong dumalong tagasuporta sa nasabing lugar para saksihan at suportahan ang kanilang mga pambato mula sa pagka, congressman, board member, mayor, vice mayor at mga konsehal mula sa grupo ni Rep. Alex Advincula.

Pumukaw ng atraksyon ng mga dumalo sa proclamation rally sa pag-eksena ng gobernador ng Cavite kung saan umakyat ito sa stage kasama ang vice mayo­ralty bet para alalayan ang pinsang na tumatakbong city counselor.

Nabigla rin ang Ca­vite governor sa harap ng libu-libong tao kung saan ito kinabahan dahil sa excitement sa ibabaw ng entablado na nagbigay ng mensahe sa mga tagasuporta ng team AJAA.

Nagmistulang walang naglakas ng loob na kumalaban sa pambato ng team AJAA
sa anumang puwesto partikular na ang mayo­ralty race, vice mayoralty at congressional race sa nabanggit na lungsod. MARIO BASCO