SINIGURO ng Philippine Association of Meat Processors (PAMPI) kamakailan ang konsyumer na ligtas ang mga locally processed meat products at puwedeng kainin dahil wala itong mga sangkap na galing sa mga bansa na infected ng African Swine Fever (ASF).
Inilabas ang pahayag na ito ilang araw matapos sabihin ng Bureau of Customs (BOC) na mahigpit ang kanilang monitoring sa mga port ng bansa para mapigilang ang pagpasok ng mga produktong delata sa gitna na outbreak ng ASF.
“Locally processed meat products such as canned meat and hotdogs do not contain meat materials from countries infected with African swine fever,” pahayag ng PAMPI.
Ipinaliwanag ng World Organization for Animal Health (OIE) ang African swine fever na isang “severe viral disease affecting domestic and wild pigs.”
Itong sakit na ito ng hayop ay puwedeng kumalat sa buhay o patay na baboy, domestic o wild, at mga produkto ng baboy, sabi ng OIE.
Ang pagkahawa ay puwedeng mangyari sa mga nahawa nang non-living objects tulad ng shoes, clothes, vehicles, knives, equipment dala ng mataas na environmental resistance ng ASF virus.
Nag-ban na ang Food and Drugs Administration (FDA) ng importasyon ng baboy at produkto nito mula sa Belgium, Bulgaria, Cambodia, Czech Republic, Moldova, Mongolia, South Africa, Vietnam, at Zambia.
Ang listahan ng FDA ay nagpalawig ng memorandum order na inisyu ng Department of Agriculture (DA) noong nagdaang Setyembre na nag-ban ng importasyon ng baboy mula sa ASF-hit na bansa tulad ng China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine.
“Most of the ASF-infected countries do not export meat products to the Philippines,” sabi ng PAMPI sa isang pahayag kamakailan.
Hinimok ni PAMPI President Felix Tiukinhoy ang FDA Philippines na magkaroon ng pagpipigil at maging specific sa kanilang mga pahayag pagdating sa isyng ito.
Dapat tukuyin ng FDA ang mga brand at mga bansa na pinanggalingan kaysa mag-isyu ng general statements na hindi naman makatutulong sa mga konsyumer pero prejudicial sa local manufacturers,” dagdag niya.
Comments are closed.