TINIYAK ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa publiko na wala pa silang naitatalang lokal na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Duque, ito’y dahil na rin sa ipinatutupad na istriktong boarder control at quarantine protocols.
“So far, walang local case ng Delta variant based sa Philippine Genome Center sa whole genome sequencing as part ng biosurveillance,” pahayag pa ni Duque, sa isang panayam sa radyo at telebisyon.
“Sila (PGC) ang nagsasabi sa atin kung nakapasok na or limitado lang sa ating mga returning overseas Filipinos or overseas Filipino Workers,” aniya pa.
Una na rin namang sinabi ng DOH na sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang na 17 kaso ng Delta COVID-19 variant sa Filipinas at lahat nang ito ay mga returning OFW.
Kamakalawa naman, sinabi ni Duque na pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibleng pagba-ban sa mga biyahero mula sa Indonesia dahil sa banta ng naturang variant of concern.
Matatandaang pinalawig na rin ng pamahalaan ang ipinaiiral na travel restrictions sa mga biyahero mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, Oman, Nepal at Bangladesh hanggang sa Hulyo 15 bilang bahagi ng pag-iingat na makapasok sa Filipinas ang Delta variant ng COVID-19. Ana Rosario Hernandez
596812 421573Do you have a spam issue on this site; I also am a blogger, and I was wondering your situation; many of us have developed some nice practices and we are looking to exchange solutions with others, please shoot me an e-mail if interested. 395126
473063 979256Fantastic beat ! I wish to apprentice even though you amend your web web site, how can i subscribe for a blog internet site? The account aided me a appropriate deal. I had been a bit bit acquainted of this your broadcast provided bright clear thought 72715