LOCAL CELEBRITIES NAALARMA SA CORONAVIRUS

Coronavirus

SAMU’T SARI ang naging reaksyon ng ating local celebrities sa paglaganap ngThe point nakamamatay na coronavirus na ang origin ay sa Wuhan, China at kumalat na sa iba’t-ibang panig ng mundo kasama na ang isang kumpirmadong kaso sa Pinas.

Nagpahayag din sila ng kanilang pagkadismaya sa kawalan ng gob­yerno ng aksiyon lalo pa’t nakarating na ang nakahahawang sakit sa bansa.

May mga concerned din dahil sa influx ng Chinese tourists sa bansa at kung paano sila mako-contain.

As of this writing, may mga nagpa-panic dahil nauubusan na raw ng supply ng face masks sa mga botika at convenience stores sa lungsod.

Ang iba naman ay nagbigay ng tips kung paano maiiwasan ang kinatatakutang virus.

Ito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

Bianca Gonzalez: “Friendly reminder: please takpan natin ang bibig natin kapag uubo o babahin lalo na sa public places. Simpleng bagay na marami pa rin ang hindi nakakagawa… And di bale nang exag, OA o praning. Wash your hands or clean hands with alcohol as often as you can.

WASHING HANDS SAVES LIVES.”

Luis Manzano: “So pakiusap na lang sa lahat ng mga makakasama ko sa mga darating na linggo, let’s take care of each other! ‘Wag naman tayo umubo o humatsing ng harap-harapan, puwede sa loob ng siko o di kaya yumuko para papuntang sahig ang ubo o sneeze. Tulungan tayo kung may sakit, mag-mask na.”

Bela Padilla: “Now more than ever, I value the thought that every breath we take is important. May those governing the country prioritize us, it’s netizens”.

Solenn Heussaff: “Why is our government still allowing flights from China?? That should have been the first action when news about this virus came out.”

Lovi Poe: “It’s always better to prevent something from happening rather than dealing with it later on. Foresight.”

Atom Araullo: “Now that we have a confirmed case of nCoV in the Philippines, some quick reminders: 1. Don’t panic. 2. Wash your hands frequently. 3. Facemasks will help. 4. Get enough rest to boost your immune system. 5. Stay up to date through credible sources.”

Comments are closed.