Magpakita ng ‘political will’ para sa kalikasan – Cimatu
HINIKAYAT ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang lahat ng local executives sa bansa na magpakita ng ‘envi-ronmental leadership’ para suportahan ang ipinakikitang ‘political will’ ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabigyan ng solusyon ang problema sa kapaligiran.
Nakasama ni Cimatu ang may 74 governors at 1,538 city at municipal mayors sa ginanap na ‘The Assembly of Governors and Mayors’ kamakailan sa Maynila.
Sa naturang pagtitipon, nagbigay rin ng paalala si Duterte sa mga namumuno sa local government units (LGUs) na palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga, korupsiyon at mga komunistang grupo.
Pinaalalahanan din ni Cimatu ang mga gobernador at alkalde na magpakita ng ‘political will’ sa pamamagitan ng pangunguna sa mga proyekto at huwag nang hintayin pa ang national government na umaksiyon.
Ipinaliwanag ng DENR chief na ang desisyon ng Pangulo na ipasara at i-rehabilitate ang isla ng Boracay ng anim na buwan ay isang babala sa mga LGU na may tourist destinations na ipinagpapalit and sustainable development dahil sa kanilang kabiguan na ipatupad ang environmental laws.
Ang pagpapasara sa Boracay ay nagresulta sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga lokal na opisyal dahil sa kapabayaan sa kanilang tungku-lin.
Tiniyak ng kalihim sa mga gobernador at mga alkalde na buo ang magiging suporta ng DENR sa kanilang mga proyekto na may kinalaman sa pag-sasaayos at pagbabantay sa kalikasan.
“The DENR can and will provide technical support on a broad range of concerns from geohazard mapping to reforestation, to the management of solid waste and air and water pollution,” wika ni Cimatu. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.